Persistence of Vision

•22 Hulyo 2011 • 1 Puna

Masterpiece Creativity Camp new schedule

•6 Hulyo 2011 • 1 Puna

for kids ages 2-15

My Masterpiece Creativity Camp

•18 Hunyo 2011 • Mag-iwan ng Puna

Creativity Classes for kids 1-15 yrs old.

 

Mommy and Me Creativity Classes for Kids 1 - 2 yrs old.

05 Pebrero 2010

•1 Nobyembre 2010 • 1 Puna

Kinakain ng pulang umaandap-andap na ilaw ang paligid ng kalye dalawampu. Akap-akap kita gamit ang paborito mong kumot, at mabilis tayong pupuslit pasakay sa hari ng kalsada. Nanlalabo ang paningin, sumusuka ito ng di inaasahang buhos ng ulan. Wala ang buwan at mga tala sa langit. Nandidilim ang aking mga mata, natatakot na di na makakakita pa.

Alas dos na ng umaga. Sarado ang mga bintana. Bukas ang ilaw sa labas, at sa kwarto mo sa taas. Nag-i-emo na yun malamang, sabi ko sarili. Hindi kita papansinin. Tutulugan kita dahil pagod na ko. Pagod na. Hihinga ako ng malalim, bubwelo para hindi mahalata ang pag-aalala. Ngayon lang Fran, tiisin mo na. Malaki na siya.

 

Nanginginig ang mga daliri ko sa pagbukas ng gate at pinto, kasabay ng kalansing ng di mabilang na mga susi. Naaalala ko bigla sabi mo, para tayong preso sa dami ng kelangang susian sa bahay na ‘to. Mareklamo ka kasi, gusto laging mabilis, laging madali.

 

Klik ang tunog ng huling ikot ko sa huling susi, para sa huling bolt. Nakapagtataka, pero bumabagal bigla ang tiktak sa relo.  Isa, dalawa, tatlo. O di ko na mabilang. Ilang saglit, ilang sandali – gaano ba katagal dumaloy ang imahe mula sa mga mata hanggang sa utak natin? Tatlo, dalawa, isa. O habambuhay kaya?

 

Nakandado ang mga paa ko bigla sa kinatatayuan nito. May cramps ba ko? Wala. Pero namamanhid ang mga binti, tila di makagalaw, o ayaw gumalaw.

 

Hindi ko na rin maigalaw ang ulo ko. Nakababad lang sila sa pagkakatitig sa iyong baywang. Taas o baba? Pipiliin nitong tumingin sa iyong mga paa. Hindi nila naaabot ang lupa. Sa pagtaas ng aking leeg, Isang nakabibinging katamikan ang ibubungad mo. Sinadya mo bang ikaw ang unang makita ko?

 

Lalapit ako sayo. Tutungtong sa sofa at nangangatog na hahagkan ang iyong kaliwang pisngi sabay sabi ng, Hoy panget, tarantado ka talaga. Wala kang imik. Nakatungo ka lang na wari’y nakatitig sa sahig na di na naaabot pa ng iyong mga paa. Hahawakan ko ang iyong leeg, ang iyong pinakamamahal na mga panga, at ang asul na kable ng super antennang nakapulupot dito,  habang ikaw, nakalabas ang dila at sinasabing, Belat, antagal mo hinintay kita.  Hindi mo naman sinabi sa ‘king gusto mong manood ng palabas sa langit. Masyadong mababa ang hagdan para kabitan ng antenna. O siguro nga, pwede rin.

 

Ngayon pa lang nagsisimulang bumuhos sa akin ang mabibigat na ambon. Ikaw, kanina pa siguro naliligo sa ulan. Nanlalamig na ang buo mong katawan. Nanininigas, nguni’t  di nangangatog.  Dahan-dahan kong yayakapin ang tila nababasag mong kapayatan, umaaasang dadaloy ang lahat ng init at ngiting kaya kong ilabas.

 

Pero di ka pa rin umiimik. Kelangan nating magtampisaw sa ulan. Kailangan kitang ibaba sa lupa. Asan na ang mga gunting pag kelangan mo? O malabo lang siguro ang mga mata ko dahil ang ambon ay nagiging bagyo. Sa wakas, nakahanap din ako. Habang pinipigtal ang lubid, akap-akap kita, sabay tayong tatalon sa batis. Wag kang matakot, sabi ko sayo. Kahit na sa unang pagkakataon, ngayon lang ako pinakanatakot tumalong kasama ka. Isa, dalawa, tatlo, talon. Puta, ang bigat mo pala.

 

Lumalakas lalo ang pag-ulan. Hindi ko na maigalaw ang pagkakapatong ng katawan ko sa katawan mo. Hinahanap ng aking tenga ang tiktak sa iyong dibdib. O kahit kulog. O kahit anong tunog. Tahimik. Hikbi lang mula sa akin ang naririnig ko. Tutunguhin ng aking ilong ang iyong balikat, ang iyong kili-kili. Ganito tayo ‘pag natutulog di ba? Pero wala akong nararamdamang init. O kahit ang paborito kong amoy mo. Gising na, please? Nanlalamig na rin ako.

 

Magtatagpo ang ating mga kamay. Hahaplusin ko ang sayo,  maglalakbay hanggang maramdaman ko ang ilang guhit ng sugat sa iyong pulso. Tatayo ako mula sa pagkakadapa. Hindi malalim ang mga sugat, nguni’t marami, tila naipon na linya ng sakit.

 

Papahirin ko ang batis sa mga mata at pisngi. Kelangan mong gumising. Buong lakas, ihihiga ko ang aking mga palad sa iyong dibdib upang pabalikin ang tibok na di ko marinig. Isa, dalawa, tatlo, buga. Isa, dalawa, tatlo, buga. Isa, dalawa, tatlo, buga. Paano na ko lilipad ng walang pixie dust? Isa, dalawa, tatlo, buga. Isa, dalawa, tatlo, buga. Isa, dalawa, tatlo, buga. I do believe in faeries, I do! I do! Paulit-ulit, habang sinasaksak ng mga kamao ang dibdib. Ang lakas ng ulan, mas malakas pa kay Ondoy, walang tigil. Kumikidlat, kumukulog, bumabaha – nguni’t  wala ka pa ring naririnig. Umaga na’t wala ka pa.

 

Umuulan pa rin. Siyam na buwan na at umuulan pa rin. Wala ka na.



White Paper Cranes Cast Black Shadows

•19 Pebrero 2010 • Mag-iwan ng Puna

It is believed that upon folding
the thousandth paper crane,
the wish of their maker come true.

I began folding my first,
thinking that at this primary step,
all the ones that went will come back.

I creased the paper, enveloping
the might of my will. I have these
air hands. I will soon send

a thousand cranes into the sky
to visit the souls of those who had
gone to take them back upon paper wings.

I begin to think that ever time
I touch this paper, I want to write
on my white birds two words.

Come back. Or take me.
I will ask my cranes to tell
them that they left so soon.

(originally Untitled, Leano-Mortel-Olympia Poetry Session, Divine Grace Leano, 2007)

MANUEL PRESTI (Italy) Winner: Wildlife Photographer of the Year A lone peregrine falcon sweeps into a swirling flock of starlings above a park in Rome. "I felt the fear and and the starlings' urgent need to survive, and the psychological pressure of the falcon as dive-bombed the small birds, " says Presti of his photograph Sky Chase. (This was your favorite photograph)

LEO ALLEN G. PANGILINAN

•13 Pebrero 2010 • Mag-iwan ng Puna

Kuya Allen, my perpetually handsome twin brother. Please don’t forget that we’ll get married by 40 for convenience (and to lessen your tax) and you need me as your caregiver and I need you as my benefactor.

http://helpfindallen.blogspot.com/

http://www.facebook.com/group.php?v=wall&gid=303189280052

On silences and voices

•11 Enero 2010 • Mag-iwan ng Puna

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.