holistic formation

Ngayong araw, may isang bagay kang gusto nang itapon. At tatambling ang ‘yong mga diyos sa nakaambang na anunsiyo.Nangawit na siguro ang puwitan sa pulang bangkong maligaya mong inupuan ng halos tatlong taon. Ngayon namamaga na ang magkabilang pisngi nito, at di na kayang magtiis pa at makisiksik sa iba pang pisngi ng iba pang mga puwitan dahil masakit na ang gasgas at pantal na dinudulot nila sa iyo. Nagagalit ka na dahil di ka makasigaw na naiiyak ka na sa hapdi. At wala nang mga kamay ang magpapahid ng ointment para maparam ang kirot.

Wala na ang dating alipin. O halaman. Ang ilaw ng tahanan. Gusto niya na ng diborsyo mula sa nakasasakal na obligasyon at pagmamahal na sobra-sobrang nailabas. Pinamanhid na ang bawat ngiti ng lilo at poot.

Isang tapik siguro sa puwitan lang ang kailangan ko. Pero kung kaninong kamay yun, hindi ang sa mga diyos. Pero minumura na ko ng reklamador na puwitan.  Gusto niya nang tumayo  at magbisikleta papalayo. At ‘pag nangyari yun, di na siya muling uupo pa sa pulang bangko.

~ ni lunabertigo sa 31 Oktubre 2007.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: