maginhawa kaya sa 16th avenue?

Malapit na ang deadline ko. Eto yung tipo ng deadline na deadliest – parang dead end na di mo pwedeng banggain ang harang para makalampas. Kailangan ng password. At ang password ay ang iyong desisyon. Desisyon ko.

Napapakanta ako bigla ng “In or Out” ni Sandara Park. Log in, log out. Move out, move in. Tapos log on, move on. Ewan. Sana napupulot sa kalsada ang mga sagot sa tanong, ang mga kulang sa espasyo, ang mga salita sa katahimikan. At kung andun man sila, malabo ang mga mata ko para makakita.

Nilakbay ko ang Cubao kamakailan, baka sakaling mapulot ko dun ang isang sagot. At di ko na siya kinailangan pang hanapin, ang sagot na ang kumalabit saken, parang bata sa lansangang humihingi ng piso o kendi. Pinulot ko, pero hanggang ngayon, nakapending pa rin kung ibubulsa. Hawak ko pa rin hanggang ngayon sa isang kamay. May laman pa kase ang bulsa ko, at kailangan mamili – alin nga ba ang itatapon.

Matatapos na ang isang taon, at kung totoong matatapos na nga ito, sana di na ako lumingon. Dahil maraming basura ang di na mababalikan pa.

~ ni lunabertigo sa 16 Marso 2008.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: