A-D-I

hindi ko na muling sasambitin pa ang maragsang ngalan na iyan.

napapailing na lang din ako paminsan. matapos ang dalawang buwan, ay lumipas na rin ang galit. pero maraming peklat ang naiwan. siguro ganun talaga.

oh well. idadaan ko na lang sa ilang buntong-hininga. kahit papano’y maraming mabuting naidulot naman ang tuluyang pagtalikod sa isang pagkakaibigan – ang mas matibay pang samahan kasama ang mga totoong nagpapahalaga at nagtitiwala.

pagtitiwala. siguro yun lang talaga ang isyu ko. yun lang talaga ang dahilan kung bakit ako napapatigil paminsan sa paglalakad ko palayo nang nakatalikod. dahil di ko makuhang magpatawad at makalimot sa kauna-unahang taong sumira nang sagad-sagaran sa tiwala at respeto ko. nakaririmarim isiping ni sa hinagap ay di ko inaasahang ang isang pinahalagahang tao ang siyang dudura sa pagkatao ko, at patalikod pa. idagdag pa ang walang patumanggang pang-aabuso at panggagamit, pati na sa iba pang kaibigan sa aking mundo.

sana noon pa ay nakinig na ako. sana noon pa ako umalis. pero dahil nga mahaba ang aking pisi, pinarolyo ko ng malala, hanggang sa muntik nang walang matira. oo, muntik lang. buti at nalaman ko ang lahat bago pa tuluyang nasagad.

i wanted to wish you well. pero magiging totoo ako sa sarili ko ngayon. siguro ang hiling ko na lang ay wala ka na sanang magamit pang ibang tao.

and this has been my last entry about that best/worst friend i had for a year. and will be inexistent for the rest of my lifetime.

~ ni lunabertigo sa 30 Mayo 2008.

3 Tugon to “A-D-I”

  1. nanjan din ako ngayon sa ganyang hukay. parehong mga salita ang kasama: buntong-hininga, walking away, respeto, tiwala, pisi, wish well, totoo..ang hirap lumakad palayo lalo na alam ko di tulad mo, may pagkatanga ako, kahit di ko na sya kausapin o gustong makita kahit kailan, alam ko paghumupa na ang lahat, iisipin ko pa rin at uulitin sa sarii: “wala akong sinayang, ang kaibigan habang buhay kaibigan”….pero dahil yun ako

  2. hindi ko pala nasabi…dapat ka lang magdamdam at magalit dahil hindi biro na piliin ang isang tao maging kaibigan at lalong hindi biro piliing hindi na iyon maaari.

    isang malalim na buntong-hininga para sa iyo

  3. salamat. pero medyo nabagabag ako. umm. magkakilala ba tayo? hindi pamilyar ang gamit mong pangalan. o ang email ad.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: